Retorika ( Masining na Pagpapahayag )

Mga Akda

LADLAD ni Antonio L. Bandiilla Jr.

Posted on October 9, 2011 at 12:20 AM Comments comments (0)

 

Nilikha tayong pantay-pantay. Pare-parehong may mata, ilong, tenga, at bibig. May kakayahang mkakita, makaamoy, makarinig, makaramdam, at makapagsalita. Ngunit naiiba tayo ng kasarian. Babae at Lalaki. Sa pag-inog ng panahon at modernong globalisasyon, sadyang nagpatulou na ang pagbabago lalo na sa mga tao. At ang pagbabagong ito ay hindi na lubos maisip mangyayare. Kakaibang pagbabago na sinasabing salot at taliwas sa batas ng diyos. Higit sa lahat ay parang cancer na hindi mapigilan sa pagkalat. Na ang dating lalaki ay naging babe samantalang ang babae naman ay naging lalaki. Nakakalitong pakinggan pero ang tinutukoy ditto ay ang mga taong nabibilang sa Ikatlong Lahi.

Nakaranas ng hindi pantay na pagtrato. Nailait at inalipusta. Naging suliranin na ito sa lupunan ng mga bading at tomboy na nagbunga ng iba’t-ibang paglabag sa kanilang karapatang pantao. Ang mga dating duwag sa likod ng kani-kanyang pagkatao, tahimik sa kabila ng nagpupuyos na mga damdamin at tulog na nagnanais magising ang palaya ngayon ay nakatindig para sa iisang laynin. Layunin na maipabatid sa lahat na ang pagiging bakla o tomboy ay hindi iba sa pagiging ordinaryong lalaki o babae. Hindi ito kailanman magiging hadlang kung pagpapaunlad sa sarili at ating bayan ang pag-uusapan. Naign daan ito upang mabuo ang LADLAD Partylist.

 

May ibang hindi sila gusto, ang iba naman ay sobrang naaaliw sa kanila. Bakit kaya hindi nalang lahat ay matuwa nalang s halip na mairiti o dili kaya’y magalit. Kung tutuusin ay pagpapasaya at pang-aaliw lang naman ang layunin nila ngunit ang iba ay sadyang makasarili na sa konting kahilingan ng mga ito ay hindi nila mapagbigyan. Sa halip ay pagalit at kung anu-ano pang pang-aasar na hindi naman nakakatulong. Minsan pa ng ay hindi pa nagtatapus sa masasakit na salitakundi umaabot na pati sa pananakit. Pananakit na guguhit na sa puso ng mga nabibilang sa ikatlong lahi at di kailanman magagamot ng kahit anung gamut maliban sa paggalang o pagrespeto na kanilang dinadalangin.

 

Ang LADLAD Partylist ay nabuo upang ipaalam sa karamihan kabilang ang mga tao sa gobyerno lalo pati narin ang mga magulang na may anak o kakilala na nabibilang sa ikatlong kasarian na ang pagiging parte nito ay hindi madali lalo na kung nabibilang ang mga ito sa lipunan na puno ng pangmamata at diskriminasyon. Layunin din nitong isigaw na dindi na kailanman magpapakababa ang mga ito sa usapin ng hindi pantay na pagtingin. Sigaw ng matapang na paglaban tungo s katiwasayan ng iisang bansa. Bansang hindi lamang ang mga lalaki at babae lamang ang makakapagpatakbo kundi kasama din ang ikatlong lahi. Ang pinagsamang talino, talento, at disiplina sa sarili ang tiyak na magiging daan tungo sa epektibo at makatotohanang demokrasya. Demokrasyang ang tunay na layunin ay pagkakapantay-pantay at kalayaan sa pagpapaunlad ng bayan.

 

 

Nawa’y sa kampanyang ito, kahit na papano ay naantig at naging bukas ang pag-iisip ng mga mambabsa nito sa tunay na pinagdaraanan ng mga taong hindi naging plano o ginusto kung ano man sila ngayon. Magpasalamat na lamang tayo ay naging normal ang estado natin sa lipunan at nakatatanggap ng patay na karapatan hindi tulad ng mga ito. LADLAD Partylist, partido ng mga piling mamamayan na may layunin at may laban!

 


Handang maglingkod Ni: Jay Morales

Posted on October 9, 2011 at 12:20 AM Comments comments (0)

 

Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin na maimbitahan at makapagsalita sa inyong kumperensya. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa bisyon, direksyon at mga programa ng DSWD na feeding program sa mga “isolated areas” dito sa ating bansa. Ito po ay tinatawag naming OPLAN KABABAYAN. Kamakailan lang ay naglabas ang Department of Health ng census ng mga Pilipinong nagugutom. Karamihan sa kanila ay nakatira sa mga “isolated areas” o yung mga lugar na hindi naaabot ng tulong ng ating gobyerno. Kaya naman naisip ng DSWD sa tulong ng DOH na maglunsad ng feeding program at free medical check up sa mga isolated areas dito sa ating bansa.

 

Nais pong simulan ng DSWD ang programang Oplan Kababayan bukas na bukas din. Ang unang target po namin ay ang mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao. Nais po naming maglunsad doon ng maliit na feeding program at free medical check up sa mga katutubo na nakatira doon. Sa tulong po ng militar, makakarating po tayo sa Visayas gamit ang kanilang helicopter na malugod po nilang ipinahiram upang maging matagumpay ang ating misyon. Pagkatapos po sa Visayas at Mindanao, susunod naman po nating bisitahin ang mga kababayan natin sa Hilagang Luzon. Tutulungan po natin ang mga katutubo na may sakit. Mamimigay din po kami ng libreng gamot sa kanila.

 

Hangad ng ating gobyerno na mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong. Mabuti na lang po at may mga natitira pang ahensya gaya ng DSWD at DOH na handang maglingkod ng walang hinihinging kapalit. Kahit na kulang sa pondo na kahit minsan ay binabawasan pa. Hindi pa rin sila tumitigil sa pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong nila. Kaya maraming salamat po sa inyo. Ipagpatuloy niyo lang po ang pagtulong sa kanila. Hindi man po nila kayang suklian ang mga ginagawa ninyo sa kanila. Nandiyan naman po ang Panginoong Diyos upang suklian kayo ng mas higit pa sa inaakala ninyo. Maraming salamat po at naway maging matagumpay ang ating misyon na makatulong.

 

 

 

 


Kilos Kabataan Ni: Jay C. Morales

Posted on October 9, 2011 at 12:20 AM Comments comments (0)

 

Magandang araw mga kapwa ko kabataan! Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot". Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.

 

Sadya bang minamalas tayo dahil ang gobyerno at ang pagunlad natin ay tila ba nabansot? Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman natin ay parang kasing laki ng kulisap lamang, kay pangit naman po ata na kabansutan yan. . Kung magkakatawan tayong katawang "Lapu lapu" at mapatalas ang ating isipang gaya kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y kasing itim ng poso negro na kapinsalaan para sa kinabukasan.

 

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang tanging pag-asa ng bayan. Tayo raw ang maghahatid sa ating bayan ng kaunlaran at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik.. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

 

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa ating gawa. Oras na para tayo ay kumilos at manindigan. Sulong kabataan kaya natin to. Oras na para makialam. Wag na tayong tumahimik at makiramdam. Oras na para lumaban. Maraming salamat mga kapwa ko kabataan.

 

 


Taas-Noo Rizaleño! ni Mary Grace Zomil

Posted on October 9, 2011 at 12:20 AM Comments comments (0)

 

Isang magpapalang araw sa mga minamahal kong kababayan at kapwa ko kabataang Montalbeño. Ako ay isang kabataang may hangarin at pangarap na pag-unlad na pagbabago para sa ating barangay. Tulad ninyo wala akong inaasam kungdi maranasan ang pagbabago sa ating bayan. Isa rin akong biktima ng kahirapan. Ngunit hindi ito nagsilbing hadlang sa akin para lumaban at ipagpatuloy ang aking pangarap sa buhay at sa aking pamilya. Batid ko ang lumalalang mga problema sa ating bayan at hindi ako basta mananahimik lamang o maghihintay na bumagsak ang bunga mula sa puno. Naniniwala ako na muling magiging dakila ang ating bayan tulad gaya ng dati. Tayong mga kabataan ang itinuturing na pag-asa ng ating bayan at ito'y hindi lamang mananatiling kasabihan. Bagkus, isang katotohanan. Marami ng lumipas na administrasyon ng Barangay SK sa ating bayan. May pagkakataong hindi natupad ang ating inaasahan at meron din naming natamasa din natin ang kaginhawaan.

 

Sa mabilis na takbo ng pagbabago sa mundo, kasabay nito ang pagbabago ng gawi ng mga kabataan. Kung dati, hindi nagiging tinik ang kabataan sa lipunan. Ngayon, isa na rin tayo sa sumisira sa kinabukasan ng ating sarili at ng ating bayan. Kaya ngayon, nais kong muling buhayin ang diwa ng tunay na Kabataang Pilipino, kasabay ng mga platapormang ihahain ko.

 

Una ay ang 'AYOKO NG DROGA, GUSTO KO NG BAGA'. Simple, ngunit may malinaw na mensahe. Napapaloob sa platapormang ito ang hangaring makawala ang maraming kabataang sa pagkagapos at pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot. Ngunit papano? Magsasagawa ang ating barangay ng 'Drug Testing sa ating barangay, Mula edad 13 anyos hanggang 21 anyos. Kung saan lahat ng kabataang nakatalang nakatira sa Brgy. San Jose, Montalban, Rizal ay kinakailangang dumaan sa 'drug testing'. Ang mapag-alamang hindi sumailalim ay may karampatang parusa at ang mapatunayang lulong sa bawal na gamot ay sasailalim sa rehabilitasyon depende sa stage ng pagkalulong ang itatagal nila sa rehab. Ipapatupad din sa platapormang ito ang pagbabawal manigarilyo sa pampublikong lugar ng mga kabataan lalo na sa oras ng klase bilang pag-iingat sa kani-kanilang kalusugan.

 

Pangalawa ay ang 'KABATAANG KRISTIYANO, RESPONSABLENG MONTALBE ÑO'. Ayon sa 1 Timoteo 4:12 "Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay." Ang platapormang ito ang magpapanumbalik sa tunay na kahulugan ng kabataang Pilipino. May pananampalataya at responsable sa kilos at gawa. Sa ilalim ng platapormang ito ay ang pagsasagawa ng mga aktibidades para sa mga kabataan. Kasama dito ang pag-oorganisa ng mga seminars na may paksang tulad ng 'True Love Waits', 'Teenage Pregnancy', at iba pang paksang napapanahon. Magsasagawa din ng 'Counselling' at 'Confessions' para sa mga kabataan upang mapaalalahanan at mapayuhan sila ng maayos tungkol sa mga suliraning kanilang kinakaharap sa pamilya man, eskwelahan at maging sa lipunan.

 

At ang huli ay 'BOSES NG KABATAAN ATING PAKINGGAN'. Isa ito sa magandang platapormang ating bubuksan upang marinig ng karamihan ang hinaing at boses ng kabataan tungkol sa iba't-ibang isyung panlipunan. Dito sila maaaring magbigay ng hinaing at anumang suhestiyong nais nilang ihain at ito nama'y susuriin ng mga dalubhasa kung maaaring pahintulutan o hindi. Sa ganitong paraan, hindi tayo basta uupo na lang at mananahimik. Tayo ay makikialam at makikisama. Dahil ang problema ng bayan ay problema din ng kabataan.

 

Aking naihain at nailatag ang aking mga plataporma at nagpapasalamat ako sa inyong pakikinig at pakikiisa sa ating laban at hangarin tungo sa mas magandang nasyon sa ating henerasyon. Ako po si Mary Grace Zomil ang inyong butihing lingkod na tumatakbo bilang SK Chairman ng brgy. San Jose. Aasahan ko po ang inyong boto at suporta sa darating na eleksyon. Maraming pong salamat! Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Nasa mga kamay ninyo ang susi sa tamang desisyon. Samahan niyo ako sa pagkamit ng pangarap ng kabataan. Hanggang sa muli, Taas-Noo Rizaleño!


Pilipino Tayo ni Jessica Macabale Yara

Posted on October 8, 2011 at 10:50 AM Comments comments (0)

 

Tayong mga tao ay nabuhay ng may kanya-kanyang mga obligasyon. Bilang isang Pilipino, obligasyon nating paunlarin ang bayan sa pamamagitan ng sarili. Tayong mga Pilipino lamang ang may kakayahang magpaunlad o di kaya’y mapabagsak ng bayang Pilipinas. Kung ikaw ay may pinag-aralan, o kaya naman ay moral na pangisahan, pipiliin mong masmapaunlad ito. Ngunit sa nakikita nating bayan ngayon, tila pinipilayan pa natin ito upang malugmok sa kahirapan.

Likas na sa atin ang kaisipang, nagsisimula ang pagbabago sa sarili. Maging ang ating kasalukuyang pangulo na si Pang. Aquino III ay ganito din ang minumungklahi. Maliban sa iyong sarili, wala nga naming iba pa ang makakagawa nito. Ngunit tila ang simpleng kaisipang ito ay di natin mapunan.

Isang halimbawa nito ay ang pagtatapon ng basura. Kaya nga naimbento ang bagay na basurahan para doon magtapon. Ang isang basurahan ay alam nating isang lalagyan. Ito’y malalim na balde na may takip. Ngunit parang nabago na ang ‘basurahang’ alam natin. Ang basurahan sa panahon ngayon ay ilog, o kaya naman ay tabing kalsada. Maari ring damuhan, o kaya nama’y kung saan-saan. Dahil dyan, polusyon ang nagiging epekto nito. Hindi lang kalusugan ang maaaring manganib, pati na rin ang kalikasan. Ito’y nasisira, nababahiran ng dumi. Hindi pusa o aso ang kayang gumawa ng mga ito. Tayong mga tao lamang may kakayahan upang gumawa ng mga bagay na ito.

Isa pang masama gawi ng ibang Pilipino ay ang pagkalbo ng kagubatan. Lingid sa kanilang kaalaman, ito ang nagbibigay kulay sa isang kapuluan bukod sa katubigan na pinalilibutan nito. Kung patuloy ang pagkalbo ng mga kagubatan, sa makatuwid tinatanggalan na natin ang pulo ng kulay. Ito rin ang nagbibigay buhay sa ating mga tao. Nagbibigay hangin upang langhapin. Tanging mga puno lang ang may kakayahang magbigay nito. Kung patuloy ang iba sa pagpuputol ng mga puno, para na rin tayong pumatay ng tao.

Isa pang halimbawa ay pagbubungkal ng lupa. Ang layunin nito ay patagin ang ibang kabundukan. Ang Pilipinas ay hinulmang may mga kabundukan upang maging balanse ang pamumuhay ng tao. Kung maging ito na tirahan ng mga hayop at panubuan ng mga halaman ay ating papakialaman, mawawala na sa pantay ang ikot ng buhay sa ating bansa. Tanging tao lamang ang mabubuhay, ngunit saan tayo kukuha ng ikabubuhay? Kapaligiran ang nagbibigay sa atin ng mga ito, ng mga biyaya at kinakailangan natin, ngunit meron talagang mga sakim. Kalikasan ang nasasaktan, iilan ang nakikinabang.

Ika ng iba, tayo daw ay mayaman dahil sa ating bansa. Ngunit nasaan? Nasaan ang yaman na iyon? May karapatan pa ba tayong makita iyon?

Sa aking pananaw, nakikita natin ito. Ngunit di natin kayang pahalagahan. Hindi sapat ang ating kaalaman upang masabing alam natin ang tunay nitong kahalagahan. Mga Pilipino tayong may obligasyong paunlarin ito, gamit ang pagpapahalaga sa ating kalikasan. Maraming paraan. Marami ring daan. Kailangan lang ng tibay ng isip at disiplina. Tandaang walang permanente sa mundong ibabaw. Kakayain nating magbago, hindi lang natin alam kung kalian.


Makamasa By: Lionelle Andrew D. Tan

Posted on October 8, 2011 at 10:35 AM Comments comments (0)

 

Wala ng mayaman. Wala ng mahirap. Papantayin natin ang bawat karapatan sa isa't isa.

 

Papaunlarin natin ang mga mahihirap. Sa tulong ng mga kababayang nating mayaman. Gagawa tayo ng maraming trabaho para sa mga hikahos natin kapwa Pilipino. Pagbabayarin natin ng tamang buwis ang mga kababayang may magandang trabaho. Hihimukin natin sila na magtayo ng negosyo, na maaaring pasukan ng mga mahihirap.

 

Hindi na rin natin hahayaang maapi ang mga naaapi. Tutulungan natin sila lumaban. Huwag nating kalimutan na kahit mahirap ay may karapatan ding dapat matamasa. Huwag natin isipin na dahil mas mataas tayo ay maaari na natin silang tapak-tapakan at abusuhin. Hindi kami makakapayag sa ganun gawain. Kapag may nagkasala, paparusahan natin sila. Kahit mahirap o mayaman pa man.

 

Magsasagawa tayo ng mga programang magiging daan tungo sa kaunlaran. Maraming mga maunlad natin kababayan ang handang magbahagi ng kanilang nalalaman sa pag-asenso sa mga kababayan nating hirap.

 

Nakakatuwang isipin na sabay-sabay tayong aasenso. Wala ng maghihirap. Wala ng maghaharing mayaman. Paiiralin natin ang pagtutulungan.

 

Marami ang hindi kumbensido. Pero isa lang masasabi ko sa kanila. Gagawin namin ang aming resposibilidad. At gawin din nila ang sa kanila. Dahil hindi lang ito para sa mga nasa puwesto. Kundi sa lahat ng Pilipino. Walang mayaman. Walang mahirap. Lahat tayo may tagumpay na malalasap. Salamat.

 


Sino ang nararapat? ni Josua Ronnel Ortiz

Posted on October 8, 2011 at 9:25 AM Comments comments (0)

 

Sino nga ba ang nararapat upang tayo’y pamunuan? Ito ba’y ang mga mayayaman na gusto pang magpayaman o ang mga taong gusto lang yumaman? Ang sagot ay wala sa mga nabanggit, dahil kung susuriing mabuti ay puro pera lamang ang gusto ng mga taong ito hindi ang tunay na paglilingkod sa bayan.

 

Ang mga mayayaman na gusto lang magpayaman ay gagawin ang lahat upang makakuha ng mataas na pwesto sa gobyerno. Pagkakagastusan ang lahat ng dapat gamitin sa pangangampanya upang mapansin ng mga tao. Gagamit ng mga sikat na personalidad, gagawa ng maraming tarpolin na may laman ng kanilang mga naglalakihang makakapal na mukha, mamimigay ng mga pera at gagastos ng milyon-milyon para makuha ang boto ng bayan. Ang iba naman ay ginagawa kahit na masama para lang manalo. Merong nagsasabotahe na pumapatay sa kanyang mga kalabang walang laban sa kanya, bumibili ng mga boto, nagbabayad sa kapit sa gobyerno para tumaas ang boto sa kanyang pangalan, at ang iba pa ay tumatawag kay Garci. Sino ba si Garci? Hindi ko rin alam naririnig ko lang siya nung pumutok ang balita na nandaya si dating Gloria Macapagal Arroyo. Iyan ang mga mayayaman na gusto lang magpayaman gamit ang kaban ng bayan. Kahit na makaapak sila ng kapwa nila ay patuloy pa rin sila sa mga kabalastugang ginagawa nila.

 

Ang mga taong gusto lang yumaman kaya tumatakbo ay sabik sa pera na inaakala nila na mag-aahon sa kanila sa hirap. Hindi nila alam na ang pagtakbo pa nila sa pulitika ay ang mitsa upang sila at mapahamak o ang mas malala ay ikasawi nila. Dahil kapag ang mga kalaban nila ay mas malalakas, kayang-kaya silang itumba ng mga ito anumang oras nila ibigin bago pa sila makilala ng publiko. Pero iisa lang naman ang dahilan nila para tumakbo, ang makilala at makakuha ng limpak-limpak na pera. Ngunit sa huli kapag nagtagumpay sila ay tayo naman ang mahihirapan, babalewalain at ipapahamak pa.

 

Kailan kaya tayo makakakita ng pulitiko na sa pangangampanya pa lang niya ay kaya na nating ipagkatiwala ang ating mga boto? Saan at kalian pa ito manyayari? Pagputi ng uwak at pag-itim ng tagak? Kalian tayo makakaahon at makakatikim ng masaganang buhay? Dapat tayo na ang kumilos, huwag ipagkatiwala ang ating mga boto sa mga taong ‘di nararapat. Kaya matuto tayong tumindig sa ating sariling paa at wag ng magpalinlang pa sa mga pulitikong puro pangungurakot ang inaatupag. Piliin natin ang tunay na mapagkakatiwalaan, tapat sa Diyos at sa Bayan.

 


Diana Francisco

Posted on October 8, 2011 at 4:05 AM Comments comments (0)

 

Ito Ang Nais ko

 

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat mga kababayan.

Ngayon, narito ako sa inyong harapan upang ipagbigay alam sa inyo na ako po ay tumatakbo bilang alkalde ng ating lungsod. Kailanman ni hindi ko po ninais na maabot ang posisyong ito dahil sa pera, bagkus ako po ay taos-pusong naghahangad na magkaroon ng isang maayos, masaya, at maunlad na pamumuhay ng bawat taong naninirahan dito sa ating lungsod.

Dahil sa lumalaking kahirapan hindi lang dito sa ating bansa, maging na rin sa buong mundo, ako po ay nagnanais na kahit papaano ay makatulong sa inyong pamumuhay. Alam ko po kung paano mamuhay ng naghihirap bagkus noon pa man ay naranasan ko na ang walang-wala talaga. Narito po ako para sa inyo na tulungan kayo na magkaroon ng sariling mapagkakakitaan. Kahit sa maliit na puhunan basta masipag, lahat tayo uunlad. Gayun pa man, hindi natin ito matatamo kung wala tayong pagsisikap.

Ibat- ibang sakit at mga panibagong sakit pang dumadapo sa ating bansa ngayon at hindi naman po ako papayag na maapektohan ang ating lungsod. Ako po ay naglalayon magkaroon ng masigla at malusog na pamumuhay sa kabila ng lahat ng mga ito kaya naman po sisikapin kong magkaroon ng mga bagong ospital, klinik, karagdagang rescue team at maging ang libreng pagpapa-check-up at gamot sa mga taong hirap makabili ng kinakailangang gamot.

Upang mabawasan ang pagkalat ng ibat-ibang sakit, bakit hindi natin gawin ang simpleng paraan upang maiwasan ito? Sa tulong po ng clean-up drive na ipapasagawa sa bawat distrito n gating lungsod, tiiyakin an gating makakamit ang kalinisan na ating hinahangad.

Sa hirap ng panahon ngayon, halos hindi na naipagpapatuloy pa ng iba pa na mga kabataan ang kanilang mga pag-aaral. Kaya naman, ako na mismo ang magpapabatid na malaki ang posibilidad na maituloy na ang naudlot sa pag-aaral ng mga kabataan sa tulong ng scholarship na akong ipapamagi sa mga kapos-palad pong ating tatawagin, ganap na nilang makakamit ang pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral.

Isa rin sa ating problema ang kagutuman. Kaya naman maglulunsad din ako ng mga feeding program sa mga bata at matatanda. Itataguyod ko po ito sa bawat baranggay at maging sa paaralan. Naniniwala akong mahalaga ang tamang pagpapakain sa ating mga sarili upang makagawa tayo ng maayos at upang maging masigla ang bawat araw natin.

At para naman lalo tayong sumigla, bawat taon ay magkakaroon po tayo ng “Sports Fest”. Ako po ay naghahangad na magkaroon ang bawat isa sa atin ng malusog na pangangatawan at teamwork sa bawat distritong lalahok sa palarong ito. Dito natin makikita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ating lungsod.

Sa lahat ng mga nabanggit ko, hindi ko po lahat magagawa ang mga yan kung wala ang tulong niyo. Hindi po natin makakamit ang maunlad na lungsod kung wala kayo. Kaya, kung ako po ang inyong pipiliin bilang alkalde sa nalalapit nang halalan, ako po ay nangangakong pagtatalagahan ang mga pangakong aking isinambit sa inyong lahat. Marahil ngayon ay nagdadalawang isip pa kayo subalit lahat ng ito’y aking mapapatunayan pagdating ng panahong ako’y nasa inyong mga harapan na bilang Alkalde ng Lungsod ng Pasay.

Maraming salamat sa inyong pakikinig. Umaasa po akong inyong ako’y tulungan sa darating na halalan.

Francis Cedrick Medina

Posted on October 8, 2011 at 4:05 AM Comments comments (0)

 

Isang magandang araw muna sa inyong lahat mga kababayan ko dito sa lungsod ng Caloocan City. Ako po si Francis Medina na ngayon ay nakatayo sa inyong mga harapan upang ipakilala ng lubusan ang akin sarili at magsabi ng:

“Isang daan ang bubuuin ko para tahakin ng aking mamamayan tungo sa kaunlaran”

Yan ang lagi kong sinasabi sa akin sarili noon at ngayon buong pagkatao ko na itong sinasabi sa inyong mga harapan mga kababayan. Ngayon humaharap ako sa inyong harapan upang magpakilala at magbitaw ng mga pangako. Mga pangakong kung saan tayo magsisimulang umusad sa daan ng kaunlaran, kung saan mamumulat ang lahat. Kung saan tayo magsisimulang matulungan sa pag asenso ng atin bayan at aahon sa hirap.

Sa aking pagtakbo bilang Mayor sa darating nahalalan, baon ko ang mga repormang magproprotekta sa ating mga kabataang naaapi, trabaho sa mga nangangailangan at edukasyon sa mga kabataan.

Alam ko sa pangahon ngayon ay marami na ang mga kabataang naligaw ng landas dahil sa kanilang mga magulang na walang humpay kung manakit sa kanilang mga anak. Naturingang mga magulang pero nagagawa parin nila iyon sa kanilang mga sariling mga anak. Ngayon magtatayo ako ng mga opisina sa bawat baranggay o barrio ng ating lungsod Caloocan ng mga opisina kung saan sila ang mangangalaga sa ating mga kabataang naaapi. At sigurado akong mananagot ang sinumang mga napatunayang na nang-aapi sa mga kabataan natin.

Alam ko din sa panahon ngayon madami na din ang mga walang trabaho. Ang aking plano ngayon at magpapatayo tayo ng mga imprastrakturang pabrika at eskwelahan kung nasan nangangailangan ng mga trabahador. At pag natapos na angmga imprastrakturang ito ay mangangailangan ulit ito ng mga trabahador na magiging employado nito. Sa ngayon ay iniisip palang namin ang mga planong impraktrakturang ito. Dahil inaantay ko kayo na kasamang mag plano at mag-isip kung ano ang nais nyo. Dahil ayoko gumawa ng isang bagay na walang abiso ninyong mga kababayan ko.

Alam ko rin po na marami sa atin ay may mga anak na tayong tapos na sa mataas na paaralan at may kagustuhang tumuntong sa pampublikong pamantasan ngunit hindi maituloy dahil sa kawalan ng pera at dahil na din sa kahirapan. Ngayon po ay babaguhin natin yang nakagawiang yan. Magpapatayo po tayo ng isang pamantasan kung saan ay babayaran nyo lang po ay ang Isang libong piso kada semester. At makakatiyak po ako na makakaya natin itong lahat dahil naniniwala ako sa kasabihan n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang “Kabataan ay pag-asa ng bayan”.

Ang lahat ng aking nabanggit ay hindi mangyayari o hindi matutupad kung hindi tayo magtutulungan. Kung hindi kayo makikiisa. Alam kong mahirap mamuno sa isang bansa ngunit alam ko din na makakaya natin ito kung lahat tayo ay magtutulungan at magkakaisa. Ang tangin hiling ko lamang sa inyo mga kababayan ko. Maaari po bang huwag tayong magmadali sa bagong administrasyon na mananalo sa darating na eleksyon. Huwag natin sila madaliin sa kanilang pwedeng gawin. Sabi ko nga sa iyo mahirap magpatakbo ng isang bayan lalo na kung hindi tayo magtutulungan.

Yun lamang po. Maraming Salamat sa inyong pakikinig mga kababayan ko dito salungsod ng Caloocan. Makakaasa po kayong lahat sa aking mga binitawang salita. Muli isang Magandang Araw po ulit sa inyong lahat. Pagpalain kayo ng Diyos Ama.

 


Carla Marie Nepomuceno

Posted on October 8, 2011 at 2:55 AM Comments comments (0)

 

Pabati sa lahat! Ako po ay nakatindig sa inyong harapan upang ipakilala nang lubusan ang aking sarili; hindi na po ako maglalatag ng alin mang palabok pa, una sa lahat ng ano pa ma’y ako’y isang Bulakenyo rin.

 

Ang akin pong pamilya ay isa sa maituturing na haligi ng ating minamahal na Bulakan. Ako po ay dito na dinatnan ng tamang pag-iisip kung saan ditto ring sa baying ito ko ginugol ang aking pagkabata. Nakasisiyang isipin na tila mabilis na dumaan ang panahon, hindi ko lubos maisip na ako ay nakatayo rito sa inyong harapan hinihingi ang inyong matamis na pagsang-ayon.

 

Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa mga mahal kong bulakenyo, taus-puso ko pong tinatanggap ang hamon na paglingkuran ang baying ito sa abot ng aking makakaya. Tinatanggap ko pong maging ama ng bayang siyang minsang nag-aruga sa akin.

 

Ang Bulakan ay hindi na iba sa akin, at ako’y marahil hindi na bagong mukha sa inyo. Matagal ko na pong pinag-isipan ang bagay na ito. Matagal na ring namamalagi sa aking isipan ang pangarap na maiahon ang napakagandang paraisong ito sa rurok ng tagumpay.

 

Mga mahal kong Bulakenyo, ang pangarap ko sa Bulakan ay siya ring buong-diwa kong pangarap para sa inyong lahat.

Ang nais ko ay isang komunidad kung saan ang tao at mga kawani ng pamahalaan ay pantay na namumuhay. Ang nais ko’y sabay-sabay nating tingalain ang tagumpay habang hawak-hawak ang bisig ng bawat isa sa atin- opisyal man ng pamahalaan maging ang simpleng mamamayan.

 

Mga mahal kong Bulakenyo, nais kong maitatag ang isang pamayanang ganap na nakatutugon sa pangangailangan ng kanyang mga mamamyan, isang pamayanan kung saan ang damayan at pagtutulungan ay makikita saan ka man lumingon.

 

Mga mahal kong Bulakenyo, pangarap po ng aba ninyong lingkod ang isang henerasyong mayroong malaking pagpapahalaga sa kanyang resorses. Ang ating minamahal na probinsiya’y talaga naming pinagpala sa kagandahang angkin, kaya naman ganoon na lamang po ang aking kagustuhan na pangunahan ang muling pagbabalik ng ganda ng ating bayan.

 

Mga mahal kong Bulakenyo, malaki po ang pananalig ko sa ating kabataang Pilipino, kaya naman ganoon na lamang ang pangarap kong maibigay ang sapat na edukasyon at primaryang pangangailanagn nila tungo sa mabilisang pagbabago at tuwirang pag-asenso. Mahal ko ang bawat isa sa atin, at ganoon din kayong mga pag-asa ng ating bayan, titiyakin kong isang malusog at matibay na pamayanan ang sasalubong sa inyo upang kayo ay bigyan ng atensyong hindi ninyo pa nadadama kailan pa man. Nakasisiguro akong isang matibay na sandigan ng edukasyon ang aking ipamamahagi sa inyong lahat.

 

Mga mahal kong Bulakenyo, hindi napo sa akin bago ang usapin ng kalusugan. Isa po ito sa siyang pinakauna sa aking listahan, kaya naman isa rin ito sa dapat nating pagsikapan. Ang kalusugan ay siyang puhunan ng bawat isa atin sa isang maganda at produktibong pamumuhay. Mga mahal kong kababayan, ang mga may sakit ay agarang gagaling mula sa abot-kamay na gamot, lahat ay mabibigyan ng tuwirang atensyong medical upang maihanda ang bawat isa sa hamon n gating buhay. Sabay-sabay nating tatanawin ang bukas na puno ng sigla at pag-asa.

 

Para sa makasaysayang Bulakan, para sa mabubuti at masiyahing pamayanan nito, para sa mga kabataang may pagsulyap ng pag-unlad, para sa mga kababaihang hangad ay pagkapantay-pantay, para sa bawat isa na layon ay umasenso at makita ang buhay bilang isang dakilang pamana ng Diyos, MABUHAY KAYONG LAHAT!

 

Inaasahan ko po ang inyong pagsuporta sa darating na halalan, sabay-sabay nating tingalain ang pag-unlad BULAKAN!