Retorika ( Masining na Pagpapahayag )

Mga Akda

Ang Tungkulin ng mga Kabataan sa Bayan by Diana Francisco

Posted on September 28, 2011 at 9:15 AM

 

Sa paggunita ng ikasandaan at isang taon ng pagkabayani ng ating si Dr. Jose Rizal, hindi mawawaglit sa ating isipan ang pahayag nyang ito “Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi maikakaila na ang taglay na lakas ng milyon-milyong mga kabataan dito sa ating bansa ay makakatulong sa pagbabago ng sistemang panlipunan sa kasalukuyan.

 

Ang tanong,“Ano nga ba ang magagawa ng mga kabataan sa ating bayan?”

 

Noong araw, wala masyadong tungkulin ang mga kabataan sa ating lipunan. Kung minsa’y kung ano lang ang ipag-utos ng magulang ay ito lamang ang susundin. Lahat nakasalalay sa kung ano ang palagay na wasto para sa kanya.

 

Ngunit alam naman nating kahit noong unang panahon ay may mga kabataan nang handang labanan ang mga taong nanakop at nag-alipusta sa ating bayan. Halimbawa na lamang sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Gregorio Del Pilar, at Apolinario Mabini. Kung ating matatandaan, nagsimula silang makipaglaban sa panahon ng kanilang kabataan dahil na rin sa umiiral na sistemang panlipunan na syempre ay gusto na nilang wakasan. At dahil dito, lalo pang nagkakaroon ng dahilan o patunay na kahit nasa kabataan palang ay may nagagawa na para sa ating bayan.

 

Ngayon, marami nang dinaranas na hirap ang ating bansa. Marami sa ating kababayan ay nagugutom. Ang mga kabataan ay nawalan ng karapatang makapag-aral dahil na rin sa kawalan ng pera. Kaya ang iba ay hirap ding makahanap ng magiging trabaho. Ang mga walang-wala na ay nag-iisip kung paano magkakaroon ngunit sa kasamaang palad, ito ay ginagawa nila sa masamang paraan tulad ng pagnanakaw, pangingidnap ng tao at ang malala pa ay ang pagpapatay sa nga taong hindi nakapgbibigay ng hinihinging halaga ng pera kaplit ang kalayaan.

 

Ito ba ang lupang ating aangkinin? Nasaan na ang dating masagang perlas ng dagat sa silanganan?

 

Ang pandaigdig na impleysyon na dulot ng patuloy na pagtutunggali ng mga dambuhalang bansa ay lalong nagtutulak sa ating bayan tungo sa kahirapan. Ang malaking halagang ginugugol ng mga malalaking bansa upang palawakin pa ang ekonomiya at patatagin pa ito ay nakaaapekto sa bansang maliliit tulad natin.

 

Sa gitna ng lahat ng ito, hindi ba’t tayong mga kabataan ang higit na nakadarama ng pag-aalala? Sapagka hindi natin alam kung anong bukas ang sa ati’y naghihintay. Ang dapat nating gawin ay maghandog ng paglilingkod sa bayan upang makamit natin ang hinihinging pag-unlad.

 

Ipakita natin ang tibay at tatag ng loob sa mga pagsubok na dumarating at darating pa sa ating buhay. Hindi na kailangan pang sabihin king anong uri ng paglilingkod ang dapat ialay. Sapat na marahil na tayo’y kumilos sapagkat kinakailangan. Kapag nagawa na natin ito, kahit saan man dako naroroon si Gat. Jose Rizal, paniguradong magigng masaya ito at maaari nyang sambitin na “Isinilang na ang kabataang pag-asa ng bayan!”


Categories: Sanaysay para sa Talumpating Pansariling kagustuhan

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

You must be a member to comment on this page. Sign In or Register

0 Comments